Thursday, December 4, 2008

si Roma

Minsan may isang dalagang hind marunong mag-ayos ng sarili ngunit siya ay napakatalino. Hindi naging hadlang sa kanya ang kakaiba niyang anyo. Siya ay nagtataglay ng matangos na ilong na nakakaakit, kumikinang na mukha “golden brown” at may malalalim na mata. Bagkus hind man siya gaanong nag-aayos ng sarili, siya ay may busilak na puso at hind nagtatanim ng galit. Madali siyang pakibagayan at masaya kasama. Ang ngalan niya ay si Roma

May isang araw na naglalakad siya sa paaralan at laging gulat ang mga estudyante sa taglay niyang hitsura. Ang iba sa kanila ay natatakot, ang iba naman ay natutuwa. Makalipas ang ilang oras, siya ay nakahanap ng kaibigan. Masyado niya pinahahalagahan ang pagkakaibigan at handa siyang magbigay ng oras para lang makasama ang mga kaibigan niya.

Dumating ang araw na nahulog ang puso niya sa isang kauri niya. Ito ang unang pagkakataon na siya ay mahulog sa taong gusto niya. Hehehe… ^~^ hindi niya malaman ang gagawin niya kung ito ba ay totoo o “infatuation” lamang. Ang mga kaibigan niya ay patuloy sa pagsuporta at pagbigay ng "advise" kaso ayaw niya itong pakinggan. Sabagay hnd rin alam ng kaibigan niya ang tunay niyang nararamdaman. Sinunod niya ang puso niya at sa huli siya rin ang nasaktan. Aw aw aw!

Ika nga sa huli ang pagsisisi at mainam na rin iyon sa kanya sapagkat natuto na siya at namulat sa katotohanan. Hehehe ^^

Ngayon, masaya na siya sa buhay niya at nakita na niya ang halaga ng mga kaibigan niya…

No comments: